^

PM Sports

Vibra Cup sinungkit ng Student Regent

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Student Regent ang kanyang ga­ling sa karerahan matapos nitong angkinin ang korona sa “Vibra Cup” 3-Year-Old Imported Horses race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Bloo­mington sa largahan upang hawa-kan ang unahan pero kina-pitan agad ito ng Dame Of Pania at Student Regent habang nakamasid naman sa pang-apat ang Windmill Of Summer.

Pagdating sa kalagit­naan ng karera ay magka­pa­nabayan na ang apat sa unahan na Bloomington, Student Regent, Dame Of Pania at Windmill Of Summer.

Papalapit ng far turn ay inagaw na ng liyamadong Student Regent, nasa pangalawa ang Dame Of Pania, tersero ang Windmill Of Summer habang nauupos sa pang-apat ang Bloomington.

Pagsapit sa home turn ay nasa limang kabayo na ang agwat ng Student Regent sa pumapangalawang Dame Of Pania at lalo pang inilayo ng winning horse ang lamang sa pito sa rektahan.

Kaya naman tinawid ng Student Regent ang meta ng may 12 kabayo ang bentahe sa sumegundong Dame Of Pania, pangatlo ang Windmill Of Summer habang dumating na pang-apat ang Rush Rush Rush.

Ginabayan ni jockey Jeffrill Tagulao Zarate, nirehistro ng Student Regent ang tiyempong 1:35.4 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Joseph Dyhengco ang P300,000 premyo.

Nakopo ng Dame Of Pania ang second place prize na P112,500.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with