^

PM Sports

Dickel coach ng Gilas?

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Dickel coach ng Gilas?

MANILA, Philippines — Sina Mark Dickel ng TNT at Gilas Pilipinas youth coach Sandy Arespacochaga kasama ang Serbian na si Nenad Trunic ang bubuo ng national team coaching staff, ayon sa website ng International Basketball Federation (FIBA).

Wala pang kumpirmasyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) habang isinusulat ang balitang ito subalit nilista na ng FIBA ang mga naturang pa-ngalan bilang bahagi ng coaching staff para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Bagama’t wala pang pinal na pahayag ang SBP, konektado kay Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang staff na inilabas ng FIBA bukod sa bagong mukha na si Trunic.

Kasalukuyang active consultant ng KaTropa sa PBA si Dickel na dating manlalaro ni Baldwin sa New Zealand team noong 2000 at 2004 Olympics.

Si Arespachocaga naman na assistant coach din sa TNT at kasalukuyang head ng Gilas Pilipinas youth nina Kai Sotto, ay matagal nang deputy ni Baldwin sa Ateneo na three-time champion ng UAAP.

Nauna nang sinabi ng SBP na nasa proseso pa sila ng paghahanap sa susunod na head coach ng Gilas at posibleng interim basis pa lang ang pagpangalan nila sa iaanunsyong coach.

Nabanggit na rin nila noong nakaraan na bukas sila sa pagkuha sa European mentor na magbibigay ng mas angkop at mas epektibong sistema sa istilo ng Philippine basketball.

Sa pagkakataong ito, posibleng isa si Trunic sa kunsiderasyon ng SBP lalo’t nakalista siya sa Gilas coaching staff ng FIBA.

Ang 51-anyos na Serbian ay batikan na sa international stage at kagagaling lang sa Iran basketball youth program. Bahagi rin siya ng dating powerhouse na Yugoslavia national team kasama sina NBA legends Vlade Divac at Toni Kukoc.

Gagabayan ng naturang coaching staff ang 24-man Gilas Pilipinas pool na binubuo ng 11 na PBA players at 13 na amateur standouts bilang paghahanda na rin sa Philippine hosting ng 2023 FIBA World Cup.

Nakatakdang maglabas ng pahayag ang SBP sa development na ito ng national team, lagpas isang buwan pa bago ang unang window ng Asia Cup qualifiers.

Nasa Group A ang Pinas at una nilang makakaharap ang Thailand sa Pebrero 20. Lalaban din sila sa ibang pang groupmates na Indonesia at South Korea.

vuukle comment

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with