^

PM Sports

Pacquiao gumawa ng history sa isang dekada

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao gumawa ng history sa isang dekada

MANILA, Philippines — Mas lalo pang nagningning ang pangalan ni Fi­lipino world eight-division champion Manny Pacquiao dahil sa pagpasok ng dekada 2020, gumawa si­ya ng kasaysayan bilang tanging boksingero sa mundo na naging world champion sa apat na dekada.

Nagsimula ang karera ni Pacquiao noong 1995.

At sa murang edad na 19-anyos ay nasikwat niya ang kaniyang  unang world title noong 1998 matapos kubrahin ang eighth-round knockout win kay Chatchai Sasakul ng Thailand para sa World Boxing Council flyweight title.

Nadugtungan ni Pacquiao ang kaniyang matikas na dominasyon sa pagpasok ng year 2000.

Noong 2001, pinabagsak ni Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa para makuha naman ang International Boxing Federation super bantamweight belt.

Naging maningning pa ang boxing career ni Pacquiao sa naturang dekada matapos magwagi ng iba’t ibang titulo sa iba’t ibang dibisyon.

Mas lalo pang kumislap ang pangalan ni Pacquiao sa dekada 2010s.

Nasungkit ni Pacquiao ang mga WBC junior middleweight title, World Boxing Organization welterweight belt at World Boxing Association welterweight crown.

Kaya naman kaagad gumawa ng bagong rekord si Pacquiao sa pagpatak ng 2020 dahil nananatili ni­yang hawak ang WBA welterweight belt na napana­lunan noong nakaraang taon.

Nakatakdang depensahan ni Pacquiao ang kanyang titulo sa taong ito at pakay magbalik sa Abril.

Wala pang pinal na desisyon kung sino ang sunod na makakalaban niya ngunit ilang pangalan na ang nakalutang kagaya nina Mikey Garcia, Danny Garcia at Shawn Porter.

Hindi rin malayo ang posibilidad na muling mag­harap sina Pacquiao at undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch dahil mismong ang Pinoy champion na ang nagkumpirma na may usapang nagaganap para dito.

Naghihintay lamang ang kampo ni Pacquiao sa ma­giging desisyon ni Mayweather.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with