^

PM Sports

Navotas vs Rizal sa unang triple header ng MPBL

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng dala-wang seasons, nagtakda ang Maharlika Pilipinas Basketball League ng kanilang unang triple-header sa Martes sa Navotas Sports Complex.

Ang home team Clutch ang host sa kanilang laban ng Rizal Golden Coolers sa main game sa alas-9 ng gabi pagkatapos ng dalawang laro na magtatampok ng tatlong teams na nais makapasok sa win column.

Maghaharap ang Biñan City at Quezon City sa alas-6:30 ng gabi na parehong nais makaba-ngon sa kani-kanilang nalasap na kabiguan.

Hangad ng koponang dating tinatawag na Laguna Krah-Heroes, Biñan City na maibaon sa limot ang 75-62 pagkatalo sa Bataan Risers habang sisikapin namang mabura sa alaala ng Capitals ang masaklap na 86-85 pagkatalo sa Manila Stars.

 Haharapin naman ng General Santos City ang Marikina sa pambungad na laro sa alas-4 ng hapon kung saan nais ng Warriors na ngayon ay suportado na ng Burlington, na masundan ang morale boosting 81-77 panalo sa Bulacan Kuyas.

Sinabi ni League commissioner Kenneth Duremdes na nais ng ligang mapaiksi ang season ngayong mayroon nang 30 teams ang ligang itinayo ni Senator Manny Pacquiao.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with