^

PM Sports

Focus lang kaming mga athletes - Diaz

Francisco Cagape - Pang-masa
Focus lang kaming mga athletes - Diaz
Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Hindi umano apektado ang mahigit 1,000 atleta ng Team Philippines sa mga gulong nangyayari sa Philippine Olympic Committee.

Sabi ni Rio de Janeiro Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz na naka-focus lamang ang mga atleta sa kanilang paghahanda para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Metro Manila, Clark-Angeles City, Subic at Tagaytay City.

Ayon pa kay Diaz, kinausap siya ni POC President Ricky Vargas noong Miyerkules bilang miyembro ng POC Athletes’ Commission para hikayatin ang mga atletang Filipino na ipagpatuloy lamang ang pagsasanay para sa Sea Games at huwag makinig sa mga ingay at hidwaan ng mga sports leaders.

“Sabi ni Pres. Ricky Vargas, payuhan ko ang mga atleta na mag-focus lang sa training at huwag pakinggan ang mga nangyayaring kaguluhan sa POC. He (Vargas) said that the athletes have to continue their training and leave it to the sports leaders to resolve the problem,” pahayag ni Diaz sa lingguhang TOPS Usapang Sports kahapon sa Intramuros, Manila.

Kinumpirma rin ni Diaz na sa nga-yon ay committed ang mga atleta sa kanilang responsibilidad sa pagbigay karangalan para sa bansa.

“Kaming mga atleta sa ngayon ay iisa lamang ang hangarin. We will do our best to win medals in the coming Sea Games for the country,” dagdag ni Diaz na tutungo na sa China sa susunod na linggo upang mag-training ng dalawang buwan sa Jiling Province malapit sa Beijing bilang paghahanda para sa World Weighlifting Championship ngayong Setyembre sa Chiang Mai, Thailand.

Bukod kay Diaz, sampu pang Filipino weighlifters ang tutungo sa Fujian, China para mag-training ng mahigit isang buwan para sa 2019 Sea Games at sa World Championship.

Ang 30th Sea Games ay gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11 sa Metro Manila, Clark-Angeles City, Subic at Tagaytay City.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with