^

PM Sports

Magnolia Hotshots lalapit sa titulo

Russell Cadayona - Philstar.com

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Magnolia na makalapit sa inaasam na ika-15 kampeonato,habang determinado naman ang nagdedepensang San Miguel na maitabla ang kanilang championship series.

Itatayo ng Hotshots ang malaking 3-1 kalamangan sa pagsagupa sa Beermen ngayong alas-7 ng gabi sa Game Four ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Magnolia ang San Miguel sa Game Three, 86-82 kung saan dinomina nila ang rebounding department, 71-46 at pinuwersa ang four-time All-Filipino champions sa malamyang 28-of-85 fieldgoal shooting.

Ngunit ayaw magkumpiyansa ni Hotshots veteran point guard Mark Barroca sa kakayahan ng Beermen.

“Hangga’t hindi pa tapos ‘yung game, iyong depensa namin dapat nandoon pa rin,” sabi ni Barroca, nagtala ng 22 points, 3 rebounds at 3 assists sa pagresbak ng Magnolia noong Linggo.

Ang San Miguel ang umangkin sa Game Two, 108-101.

“But this is not yet over. We only have two wins, kailangan namin apat eh,” wika ni Hotshots head coach Chito Victolero sa inaasahan niyang pagbangon ng Beermen ni mentor Leo Austria. “So maganda lang, lamang lang kami. It’s not yet over.”

Samantala, inaasahan namang igagawad kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo ang kanyang ikaanim na sunod na Best Player of the Conference trophy ng All-Filipino conference bago bitawan ang Game Four.

Nagposte si Fajardo ng 41.4 statistical points (SPs) per game kasunod sina Sean Anthony (37.1 SPs), Stanley Pringle (34.8 SPs) ng NorthPort, RR Pogoy (33.6 SPs) ng TNT Katropa at Moala Tautuaa (33.1 SPs) ng NorthPort.

vuukle comment

PBA PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with