Jockey’s Days Foot Race malapit na
MANILA, Philippines — Malapit nang ilarga ang isa sa inaabangan at masayang araw sa industriya ng karera na Annual Jockey’s Day Foot Race Events.
Tampok sa inorganisa ng New Philippine Jockey’s Association, Inc. (NPJAI) ang Kids Foot Race Event (10 to 15 years old), Student Challenge Race at NPJAI Foot Race Event.
Ilalarga sa April 20-21, inisponsoran ng PCSO, Philippine Racing Commission at ng PRCI Santa Ana Park ang nasabing event.
May fund raising event din ang NPJAI sa NAIC Cavite, ang lahat ng mapagbebentahan ng mga T-Shirt ay mapupunta sa Disabled Jockeys Fund.
Bukas ang opisina ng NPJAI para sa mga gustong mag-sponsor at qualified Jockeys na gusto magrehistro ngayon. (Ms. Roselle (02) 994-9287).
- Latest