^

PM Sports

Nakabangon ang Lady Spikers

Francisco Cagape - Pang-masa
Nakabangon ang Lady Spikers
Pinaluan ni Michelle Cobb ng La Salle sina Mary AnnMendrez at Roselle Baliton ng UE. (
PM Photo ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Muling nakabalik ang three-peat champion De La Salle Lady Spikers sa winning track matapos ilampaso ang University of the East Lady Warriors sa straight sets, 25-18, 25-20, 25-18, kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP Volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Kahit wala si Des Cheng dahil sa shoulder  injury, nangangailangan lamang ng mahigit 80 minutos sina Michelle Cobb, Lourdes Clemente, Aduke Ogunsanya, May Luna, Tin Tiamzon at rookie Jolina de la Cruz para makopo ang pang-apat na panalo sa anim na laro.

Ngunit hindi naging madali ang panalo ng Taft-based team dahil lumamang pa ng maraming beses ang Lady Warriors sa laro, ang huli ay 6-3 sa ikatlong set bago tuluyang makuha muli ng Lady Spikers ang momentum tungo sa pagputol sa kanilang two-game losing skid.

Ang fourth year outside hitter na si Tiamzon ay umani ng 10 puntos mula sa siyam na atake at isang block habang si De la Cruz ay tumapos ng 14 puntos kabilang na ang siyam na atake, tatlong aces at dalawang blocks.

Nalampasan naman ng University of Santo Tomas Tigresses ang hamon ng National University Lady Bulldogs sa apat na sets,  26-24, 25-17, 23-25, 25-17 para manatili sa sosyohan sa ikatlong puwesto kasama ang DLSU Lady Spikers sa parehong 4-2 win-loss slate.

Pagkatapos ng  laro, umalis agad si coach Ramil de Jesus para sungkitin pa ang kanyang ikalawang panalo para sa F2 Logistics laban sa PLDT sa 2019 Philippine Super Liga sa Muntinlupa Sports Center.

Sa men’s division, nagwagi ang nagdedepensang National University Bulldogs laban sa University of Santo Tomas, 25-18, 25-18, 25-21 upang uma-ngat sa solo second sa 4-1 slate habang nasungkit ng DLSU Green Spikers ang ikalawang panalo matapos padapain ang UE Red Warriors, 25-14, 25-10, 23-25, 22-25, 15-13 sa ibang laro.  

vuukle comment

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with