^

PM Sports

Maraming dating imports sa PBA Governor’s Cup

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-imports ang mangunguna sa all-star cast ng reinforcements sa paparating na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup.

Ito ay sina defending champion Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at reigning Best Import Allen Durham ng Meralco gayundin ang mga dating Best Imports awardees na sina Arizona Reid ng San Miguel at Romeo Travis ng Magnolia.

Kasama rin ang iba pang balik imports na sina J’Nathan Bullock ng Rain or Shine, Mike Glover ng Talk’ N Text, Eugene Phelps ng Phoenix, Henry Walker ng Blackwater pati ang mga bagong mukha na sina Rashad Woods ng Globalports, Akeem Wright ng Columbian Dyip at Olu Ashaolu ng NLEX.

Ayon kay head coach Tim Cone, lahat ng imports na ito ay siguradong habol ang magapi ang kanyang pinagkakatiwalaang resident Ginebra import na si Justin Brownlee.

Kagagaling lamang nina Brownlee at Cone sa matagumpay na kampeonato sa katatapos lang na Commissioner’s Cup matapos tanggalin sa trono ang San Miguel noong nakarang Miyerkules.

Kontra sa mas malaking reinforcement na si 6’8 Renaldo Balkman ng Beermen na ginapi nila sa anim na laro sa Finals, nagrehistro ang 6’5 na si  Brownlee ng halimaw na 31.5 puntos, 10.5 rebounds at 5.8 assists.

Iyon na ang ikatlong kampeonato ni Brownlee para sa Ginebra bukod pa ang Best Import na parangal na natanggap sa mid-season conference kung saan mas malalaki ang imports bunsod ng 6’9 na height limit.

“He’s the measuring stick of all the other imports at this point,” aniya sa import na gumabay sa kanila sa back-to-back championships sa Go-vernors’ Cup na dedepensahan nila ngayon.

“He’s gonna have a huge target on his chest going into the 6-foot-5 conference.”

Para naman kay Brownlee, wala siyang pakialam basta’t gagalingan niya lamang sa ikatlong taon niya sa Ginebra sa season-ending conference para sa hangarin na ikatlong sunod din na kampeonato.

“If there’s a target on my back, then that is what it is. That’s something I’m not gonna worry about,” ani Brownlee. “I’m just focused on getting better every day and just trying to help the team win.”

Tanging ang Alaska na lamang ang hindi pa nag-aanunsyo ng import habang wala pa namang pinal na iskedyul kung sino ang maglalaro sa Agosto 17 na opening ng season-ending conference.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with