^

PM Sports

Lyceum dumiretso sa 6-0 record

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling sumandal ang Lyceum of the Pilippines University sa isa na namang  MVP performance ni Jaymar Perez upang igupo ang Perpetual Help, 91-77 kahapon para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo sa 94th NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagtala si Perez ng 26-puntos bukod pa sa 10-rebounds, tatlong assists at dalawang steals upang ilag-lag ang Altas sa 2-2.

Nauna rito, umarangkada ang nagdedepensang San Beda Red Lions sa second half tungo sa 88-70 panalo kontra sa Mapua Cardinals.

Matapos umabante ng apat na puntos lamang sa first half, sinimulan ng Red Lions ang run-and-gun rampage at nilimitahan ang Cardinals sa 28 puntos lamang sa huling dalawang yugto para manatiling malinis ang kartada (4-0) at nakadikit pa rin sa na-ngungunang Lyceum Pirates (5-0).

Sa pagkakataong ito, si JV Mocon ang nangu-nguna sa kanyang 22 puntos, 16 rebounds at four assists habang ang Cameroonian import na si Donald Tankoua ay tumapos ng 17 puntos at pitong rebounds para sa Red Lions. Si Robert Bolick ay tumulong din ng 11 puntos at walong assists.

Ang Cardinals na bumaba sa 2-3 win-loss card ay pinangunahan ni rookie Warren Bonifacio sa kanyang 19 puntos at 12 rebounds at 15 naman mula kay Cedric Pelayo.

Sa iba pang laro, na-ngailangan ng overtime period ang Emilio Aguinaldo College Generals para sa sorpresang 79-77 panalo laban sa San Sebastian Stags upang makamit ang unang panalo pagkaraan ng apat na talo.

vuukle comment

LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with