^

PM Sports

Hiway One bumandera sa 2017 3YO Fillies & Colts

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Naging bida ang kabayong Hiway One sa ginanap na 2017 Philippine Racing Commission Three Year Old Fillies & Colts Stakes race na ginanap kahapon sa San Lazaro Leisure Park.

Ang tatlong taong lalakeng kulay kastanyo na pag-aari ni sportsman/businessman Joseph C. Dyhengco ay nanatili lamang sa striking distance para maabusan ang mga nauuna sa kanya.

Naunang lumundag ang kabayong Secret Affair na ginabayan ni J.B. Guce, pero agad naman itong inawat ng Mount Pulag na sinakyan ni John Paul Guce kasunod ang Band Of Halo na nirendahan ni Mark A. Alvarez.

Nang sumapit sa med­ya milya ay nagpakatatag pa mandin ang Mount Pulag, ngunit sumikip na ang distansya nang makalapit ang Hiway One na pinatungan ni Apoy P. Asuncion.

Pagpasok sa rektahan ay nangunguna na ang Hiway One, habang kandarapa ang mga humahabol sa kabayo.

Nakasalba para sa segundo puwesto ang Metamorphosis na ginabayan ni Fernando M. Raquel Jr. at terserong dumating ang Secret Affair.

Naisalba pa rin ng Mount Pulag ang ikaapat na puwesto para makakuha ng premyong P50,000.

Ang kampeong si Hiway One ay nabiyayaan ng malaking P600,000 premyo na kaloob ng Philracom.

Sa pagiging segundo ng Metamorphosis ay napunta sa koneksyong si Herminio Esguerra ang P225,000, samantalang ang P125,000 ay naiuwi ni Antonio V. Tan Jr., na siyang may-ari kay Secret Affair.

Binagtas ng Hiway One ang distansyang 1,600 meters sa bilis na 1:43-4/5 at nagrehistro ng mga quarter times na tatlong 25.0 segundo at dumating pa ng may sobrang 28.5 segundo.  JMacaraig

 

 

vuukle comment

RACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with