^

PM Sports

Puwede na uli si Durant

Pang-masa

MINNEAPOLIS -- Ang pagkilig ng kanyang mga balikat sa free throw line, ang one-legged runners sa lane, ang madulas na mga 3-pointers.

Walong buwan itong hindi nagawa ni Kevin Durant sa isang NBA game.

Sa kanyang pagbabalik matapos mabalian sa kanang paa na dumiskaril sa kampanya ng Oklahoma City Thunder sa nakaraang season, tila hindi nawala si Durant.

Umiskor ang dating MVP ng 15 points mula sa 5-for-8 shooting bukod pa sa 4 assists sa loob ng 22 minuto sa preseason opener ng Oklahoma City laban sa Minnesota Timberwolves nitong Miyerkules ng gabi.

Walang nakitang epekto ng foot injury kay Durant na nangailangan ng tatlong operasyon para ayusin.

Hindi siya pipilay-pilay, hindi namimilit sa sakit at maski ang minsang pagpagpag sa kanyang paa ay walang naramdaman si Durant.

“I felt great,’’ sabi ni Durant. “I think it was a little different. I haven’t been in my routine in a while as far as going to shootaround, taking my nap, getting to the game. So all that stuff was different. But once I got on the court, I felt right at home.’’

Huling naglaro si Durant noong Pebrero 19 laban sa Dallas. Hindi siya nakita sa aksyon sa 55 games at sa huling 28 ng nakaraang season bunga ng naturang foot injury.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DURANT

HULING

KEVIN DURANT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

MIYERKULES

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

PEBRERO

UMISKOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with