^

PM Sports

‘Three-peat’ para sa NU Pep Squad

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naisakatuparan ng National University ang ma­ging ‘three-peat’ champions sa UAAP Cheerdance Competiton nang sila ang kinilalang kam­peon sa kompetisyon kahapon sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Sapat ang overall na pagtatanghal ng NU Pep Squad para tabunan ang ilang pagkakamali upang makakuha ng nangungunang 668 puntos.

Record crowd na 25,388 ang sumaksi sa kompe­tisyon at ang UST Salinggawi Dance Troupe ang pu­mangalawa sa 651.5 puntos, habang ang host UP Pep Squad ang pumangatlo sa 610.5.

Binibigyan ng puntos ng mga hurado ang gina­wang tumbling, stunts, tosses, pyramid at dance at umiskor ang NU ng 91.5, 70.5, 84, 88 at 340.

May anim na penalty lamang ang koponan.

“We were able to manage our flaws. May flaws ka­mi sa isang pyramid pero apat na pyramids ang gi­nawa namin kaya may tatlong bala pa kami,” wika ni NU coach Ghicka Bernabe.

Halagang P340,000 at dagdag na P190,000 mu­la sa Smart, Yamaha Motors, Purefoods at Champion ang premyong napanalunan ng  NU na naging ikatlong koponan kasunod ng NU at UST na naka-tatlong sunod na titulo sa kompetisyon.

Nanalo naman ang UST sa Group Stunts. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHEERDANCE COMPETITON

GHICKA BERNABE

GROUP STUNTS

MALL OF ASIA ARE

NATIONAL UNIVERSITY

PASAY CITY

PEP SQUAD

SALINGGAWI DANCE TROUPE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with