Gilligan’s, SM By the Bay A kampeon sa Challenge Cup
MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang sunod na kabiguan ay nakabawi na rin si Danica Gendrauli kay Fiola Ceballos.
Katulong si Norie Jane Diaz, tinalo ni Gendraulin ng Gilligan’s sina Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes, 19-21, 21-14, 15-11, para kunin ang korona ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More kahapon sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.
Ginawa ito ni Gendrauli sa kabila ng pagkakaroon ng lagnat ilang araw bago ang finals ng torneong inorganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Sands By the Bay, Senoh at Maynilad.
Katuwang si national team skipper Jovelyn Gonzaga, binigo ni Ceballos si Gendrauli sa beach volley tournament sa Boracay noong 2012 at 2013.
Pinatumba ng Cignal HD Spikers B ang Foton Hurricane, 21-18, 21-18, para sa third place.
Sa men’s division, tinalo nina Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ng SM By The Bay A sina Tippy Tipgos at Marjun Alingasa ng Champion Infinity B, 21-17, 23-21, para sa titulo. (RC)
- Latest