^

PM Sports

Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival sa linggo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagdiriwang sa Linggo (Disyembre 14) ang kauna-unahang Pasay ‘The Travel City’Racing Festival  na gagawin sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

May 13 karera ang nakapaloob sa festival tampok ang dalawang Cup races na sinahugan ng tig-P300,000.00 kabuuang premyo.

Ang mga tampok na karera ay ang 1st Pasay “The Travel City” Cup at ang Pasay City Ma­yor’s Cup na kung saan ang mga mananalong kabayo ay magpapasok ng P180,000.00 unang gantimpala sa kanilang mga horse owners.

Layunin ng festival na ipakita sa lahat na ang Pasay City ay puwedeng maging pasyalan ng mga turista dahil mara­ming tourist attraction sa kanilang nasasakupan.

May 10 trophy races na nilagyan ng P150,000.00 premyo bukod pa sa isang special race ang kukumpleto sa programa ng karera sa araw na ito.

Inaasahang dadalo si Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto para pangunahan ang paggawad ng tropeo sa mga mananalo sa dalawang major races na paglalabanan.

Ang mga sasaling horse owners, trainers at hinete ay puwede ring manalo ng anim na cell phones at isang tablet na ipara-raffle sa maghapong karera.

Pasisimulan ang dalawang araw na karera sa ikatlong racing club sa bansa sa Sabado sa pamamagitan ng pag­larga ng PCSO 2YO Special Maiden Race na kung saan paglalabanan ng mga kalahok ang P600,000.00 unang gantimpala mula sa P1 milyong kabuuang prem­yo.

Susundan ang festival na ito ng mga Special Races sa Dis­yembre 23 at 24 para pasiglahin ang selebras­yon ng Kapaskuhan sa MetroTurf.  (AT)

vuukle comment

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY MA

PASAY CITY MAYOR ANTONINO

RACING FESTIVAL

SPECIAL MAIDEN RACE

SPECIAL RACES

TRAVEL CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with