^

PM Sports

Cagayan nakisosyo sa unahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabuhay ang laro ng Cagayan Valley Lady Rising Suns sa ikalima at hu-ling set para pabagsakin ang Ateneo Lady Eagles, 16-25, 25-17, 25-17, 25-27, 15-10 at sumosyo sa unang puwesto sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference elimination round kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang inakalang panalo matapos hawakan ng Lady Eagles ang 5-2 iskor ay naisantabi nang magtulong sina Angeli Tabaquero at Pau Soriano sa 10-1 palitan upang ibigay sa nagdedepensang kampeon ang 12-6 bentahe.

Si Tabaquero ay may 11 puntos mula sa kills habang si Soriano ay may 12 puntos at kalahati rito ay mula sa blocks.

Nanguna sa Lady Ri-sing Suns si Aiza Maizo sa kanyang 17 puntos, kasama ang 14 attack points.

Ito ang ikalimang pagkatalo sa pitong laro ng Lady Eagles na umabante rin sa quarterfinals bilang pang-anim na koponan.

May 25 kills, tatlong aces at dalawang blocks si Valdez tungo sa 30 puntos at ang Ateneo ay nagdomina pa sa attack points, 63-44 at sa serve, 13-8.

Sa labanan ng dalawang walang panalong koponan, lumabas ang galing nina Angeli Pauline Araneta, Katherine Bersola at Nicole Ann Tiamzon para ipanalo ang UP Lady Maroons sa 25-23, 24-26, 25-12, 26-24, panalo sa PNP Lady Patrollers. (AT)

vuukle comment

AIZA MAIZO

ANGELI PAULINE ARANETA

ANGELI TABAQUERO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

KATHERINE BERSOLA

LADY

LADY EAGLES

LADY MAROONS

LADY PATROLLERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with