^

PM Sports

Nakauna sa blackwater Road warriors Determinado

Pang-masa

LARO SA LUNES

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

3:30 p.m. – NLEX Road Warriors vs Blackwater (Game 2)

 

Kung kailangan:

LAro sa Hunyo 4

(Philsports Arena,

Pasig City)

1:30 p.m. – Blackwater vs NLEX (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Limang NLEX Road Warriors ang tumipa ng doble-pigura para ipakita ang masidhing hangarin ng koponan sa 90-77 panalo sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa PBA D-League Foundation Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

May 18 puntos mula sa 7-of-10 shooting, si Art Dela Cruz habang si Ronald Pascual ay mayroong 17 at ang dalawa ay galing sa bench upang tulungan ang Road Warriors sa 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three Finals series.

Kailangan na lamang ng tropa ni coach Boyet Fernandez na manalo sa Lunes upang mabawian ang Elite na tumalo sa kanila sa kampeonato noong nakaraang taon.

Sina Kevin Alas, Jake Pascual at Ola Adeogun ay may tig-11 puntos at sina Pascual at Adeogun ay nagsanib sa 26 boards para bigyan ang NLEX ng 45-41 kalamangan sa rebounding.

“We have our game plan and I just told the players that we will not win if we don’t follow our plan. I thought we exe-cuted it perfectly,” wika ni Fernandez.

Nakatulong din sa NLEX ang pagkakaroon ng lima sa walong three-pointer sa laro sa second half para makakalas sa mahigpitang first half. Sina Ronald Pascual na may apat na tres sa laro, sina Rome dela Rosa at Garvo Lanete ay may tig-isang triple para pakawalan ang 20-6 palitan at ang 45-42 ay lumobo sa 65-48.

Hanggang sa siyam na puntos na lamang napababa ng Elite ang bentahe, 69-60, bago kumawala ng tig-isang tres sina Pascual at Baser Amer habang may apat na puntos si Dela Cruz upang itala ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 18 puntos, 88-70.

May 20 puntos si Reil Cervantes habang sina Marvin Cruz, Kevin Ferrer at Gilbert Bulwan ay tumapos bitbit ang 18, 11 at 11 puntos. Ang 6’4” na si Bulawan ay may 10 rebounds pa.

Pero malamig ang mga batikang guards na sina Jericho Cruz at Allan Mangahas para mangaila-ngan ngayon ang Elite na manalo ng dalawang sunod upang mapanatiling hawak ang kampeonato.

Si Cruz ay nagtala ng isang puntos lamang sa limitadong 0-4 shooting habang si Mangahas ay hindi nakaiskor sa anim na minutong paglalaro lamang. (AT)

 

NLEX 90 – Dela Cruz 18, R. Pascual 17, Alas 11, J. Pascual 11, Lanete 11, Dela Rosa 7, Adeogun 6, Amer 3, Raymundo 2, K. Pascual 2, Ganuelas 2, Long 0.

 Blackwater Sport 77 – Reil Cervantes 20, M. Cruz 18, Ferrer 11, Bulawan 11, Ciriacruz 6, Austria 6, Llagas 4, J. Cruz 1, Pinto 0, Mangahas 0, Manguera 0.

 Quarters: 21-23; 45-40; 69-56; 90-77.

 

vuukle comment

ADEOGUN

ALLAN MANGAHAS

ART DELA CRUZ

CRUZ

DELA CRUZ

PASCUAL

PUNTOS

REIL CERVANTES

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with