^

PM Sports

Ginebra Powell Power

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Matagal-tagal pa bago malaman kung saan ha-hantong ang kampanya ng Barangay Ginebra kasama si Josh Powell bilang import.

 Ngunit kung pagbabasehan ang kanilang unang laro, mukha ngang mas bagay at mas makakatulong si Powell sa Ginebra kumpara sa unang Gin Kings import na si Leon Rodgers.

 â€œKitang-kita sa stats,” ani Ginebra coach Ato Agustin, ilang sandali pagkatapos ng kanilang panalo sa Meralco, 88-78 noong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 Malayo sa scoring average ni Rodgers (33.33 ppg) ang ipinuntos ni Powell (16). Ngunit ang kagandahan, umikot ang bola ng Ginebra at maraming locals ang nag-ambag sa scoring.

 Kumamada ng double-digit outputs sina Chris Ellis, Greg Slaughter, Mark Caguioa, LA Tenorio at Josh Urbiztondo. Bago ang larong ito, sina Caguioa (10.33) at Japeth Aguilar (10.00) lamang ang Ginebra locals na nag-aambag ng double-digit averages.

 Bago hinalinhan ni Powell si Rodgers, nag-a-average lang ng 16.5 assists per game ang Ginebra. Noong Miyerkules, humugot sila ng 22.

 Kasi nga, nakuntento si Powell na hayaang umikot ang bola sa opensa. Sa kaso ni Rodgers, humihinto ang takbo ng opensa sa kanyang mga kamay. Um-average siya ng 30.33 points dahil sa sobrang dami ng attempts.

“Scorer talaga si Rodgers. Ang problema, hindi na nasasali sa opensa ang mga locals,” ani Agustin. “Mas malayong all-around player si Powell at tala-gang pinu-push niya ‘yung mga kasama niya.”

 Ang siste, mahirap na paghahabol sa standings ang kailangang gawin ng Ginebra. Nakabaon pa sila sa  pang-pito tangan ang 3-4 kartada.

 Hindi rin magaan ang kanilang huling dala-wang laro kontra sa Alaska Milk (April 13) at Rain or Shine (April 20).

Bago magbigay daan sa PBA All-Star Week ang Commissioner’s Cup, dalawang bagay ang sigurado na – playoffs top seed na ang Talk ‘N Text at out-of-the-race na ang Globalport.

 Umaasa ang Ginebra na makalusot sa best-of-three quarterfinals o iwasan ang outright elimination at quarterfinal pairing kontra sa team na tangan ang twice-to-beat advantage.

vuukle comment

ALASKA MILK

ALL-STAR WEEK

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

CHRIS ELLIS

GINEBRA

POWELL

RODGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with