Panalo ng Ginebra bumuhay sa PBA crowd
Birthday ng aming kaibigang si Ai Ai Delas Alas.
Magdiriwang siya today with her friends, family and co-stars.
At siyempre, kasama ang kanyang ‘bebe’ na si Jed Salang na galing sa mundo ng basketball.
Si Ai Ai ay kaibigan na namin since 25 years ago. Since that time, she has remained a one true friend.
Wish namin ang marami pang projects para sa kanya, good health, and a beautiful lovelife that can make her always happy.
Happy birthday Ai Aai!
***
Matagal na panahon na rin naman nung huli nating makita na lumalabas ng coliseum ang mga Ginebra fans ng nakangiti.
Finally, nu’ng Biyernes, nakita na ulit natin ‘yun nang manalo ang Ginebra kontra sa Globalport.
Kaya asahan n’yo mamaya sa MOA Arena na susugod na naman ang mga tagahanga nila laban sa Talk ‘N Text.
Kailangang-kailangan ng Ginebra ang panalo mamaya kaya higit nilang kailangan ang suporta ng mga ka-barangay.
***
Unang laro pa lang ni Mike Cortez sa Air21, Best Player na agad siya.
May gustong patunayan ang mama sa Ginebra na ipinamigay siya sa Air21.
Samantala, kung gamit na gamit si Mike Cortez sa team na nalipatan niya, ang kanyang kapalit naman na si Yousef Taha ay hindi naman nagamit kahit isang minuto sa laro ng Ginebra.
As in nasa bench siya the whole game.
Kawawa naman.
***
Sa November 20 na mag-uumpisa ang NCAA volleyball at sa December 1 naman ang UAAP volleyball.
- Latest