^

True Confessions

Suklam (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Magandang petsa ang napili n’yo sa pagpapakasal!’’ sabi ni Aling Perla.

“Si Leah po ang pumili­ ng buwan pati petsa. Ma­aliwalas daw po ang Mayo at ang petsa 15 naman ay nagpapahiwatig ng kasaganaan,” sabi ni Brent.

“Sang-ayon ako,’’ sabi ni Aling Perla na halata sa boses ang kasiyahan.

“Wala kang tutol, ‘Ma?’’ tanong ni Leah.

“Wala. Alam n’yo ba na ang parents ko ay Mayo 15 ikinasal? At nagsama sila ng 70 taon. Naniniwala ako na kapag ikinasal ng ganung buwan at petsa ay matibay ang pagsasama. Walang makapaghihiwalay gaya ng sinumpaan nila sa harap ng altar. Nanati­ling matapat sila sa isa’t isa—walang kataksilan na naganap.”

“Hindi katulad ko nasira ang pagsasama dahil sa kawalang katapatan ng lalaki. Sa kabila na naging matapat ako, sinuklian iyon ng kataksilan.”

“Pero alam n’yo maaring­ mali rin ang buwan at petsa ng aming pagpapakasal. Sana sinunod ko ang payo ng aking mga magulang—baka sakaling hindi nangyari ang trahedya ng aming pagsasama.”

“Kaya kayong dalawa, ituloy n’yo na ang balak. Ma­laki ang paniwala ko na magiging matibay at masa­gana ang inyong pagsasama. At ipagdarasal ko na walang hanggan ang inyong pag-iibigan.’’

“Salamat, ‘Ma. Napakabuti mo,’’ sabi ni Leah at niyakap ang ina.

Nagpasalamat din si Brent at niyakap nang mahigpit ang kanyang magi­ging mother-in-law.

Alam ni Brent, natapos na ang lahat nang problema at wala nang susunod pa. Wala na ring madaramang poot, galit o pagkasuklam sa kanila.

(ABANGAN BUKAS ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA MULA PA RIN SA PABO­RITO N’YONG AWTOR NA SI RONNIE M. HALOS.)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with