Suklam (162)
“IPINAL na natin ang buwan, Leah. Abril o Mayo?’’ tanong ni Brent.
“Mayo,’’ sagot ni Leah.
“Anong date?’’
“Mayo 15. Magandang petsa yun, Brent.’’
“Bakit?’’
“Ayon sa pagkakaalam ko ang Mayo 15 ay masaganang petsa dahil panahon ng anihan ng palay. Masagana ang mga magsasaka dahil sa dami ng aning palay.’’
“Talaga? Hindi ko alam yun.’’
“Nabasa ko yun sa isang artikulo sa magazine, ilang taon na ang nakararaan.’’
“Ano pa ang sinasabi sa article?”
“Yun lang—masagana ang petsang Mayo kinse. Ako na lang ang nag-conclude na maganda ring petsa iyon para sa pagpapakasal. Magiging masagana ang ating buhay at punumpuno ng saya ang pagsasama.’’
“So okey na ang Mayo 15 para sa wedding natin.’’
“Oo. Pinal na yun.’’
“Kailangan, sabihin na natin sa mama mo ang plano. Baka mayroon pa siyang maipapayo. Nariyan ba siya?’’
“Oo. Tatawagin ko siya.’’
Tinawag ni Leah ang kanyang mama.
Sinabi ng dalawa ang planong pagpapakasal.
“Anong buwan ang napili n’yo?’’ tanong ni Aling Perla.
“Mayo po—Mayo 15,’’ sabi ni Brent.
Napangiti si Aling Perla.
Tatapusin na bukas
- Latest