Kaibigan (207)

“Pero talaga bang nag-iwan sa iyo si King ng huling habilin na kung mag-aasawa ka ay ako na ang piliin mo, Dex?’’ tanong ni Lara habang kumakain sila nang masarap na hapunan sa restaurant ng hotel na kanilang tinutuluyan sa Puerto Galera.

“Oo. Gusto mo ipa­kita ko sa iyo ang sulat niya? Nakatago iyon. Ini­ingatan ko at baka dumating ang araw e hanapin mo sa akin ang katibayan.’’

“Hindi na. Naniniwala ako. Kahit kailan hindi ako nagduda sa iyo—lahat nang sinasabi mo totoo.’’

“Salamat Lara.’’

“Talagang matibay ang pagkakaibigan n’yo ni King—mahigit pa sa magkapatid ang turi­ngan ninyong dalawa. Siguro ang inyong pagkakaibigan ang pinaka da best sa mundo.’’

“Palagay ko nga Lara. Walang tatalo sa pagkakaibigan namin ni King. Alam mo nang mamatay siya, nawalan ako ng sigla. Para bang nasira ang mga pa­ngarap ko—siguro dahil masyado ka­ming closed.’’

“Napansin ko ‘yun nun Dex. Hindi ko malilimutan ang itsura mo nang ma­matay si King. Parang nawala ka sa wisyo at hindi nag-ayos ng sarili.’’

“Napansin mo pala ‘yun Lara.’’

“Oo. Lungkot na lungkot ka.’’

“Pero ngayon, maligayang-mali­gaya na ako dahil ikaw na ang kapi­ling ko.’’

“Ako man Dex.

Isang linggo silang nanatili sa Puerto Galera. Nang magbalik sila sa Maynila, dinalaw nila ang puntod ni King. Marami silang lihim na sinabi sa harap ng puntod ni King. (Itutuloy)

Show comments