^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (159)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Maganda siya, Drew?’’ tanong ni Ma­rianne na ang tinutukoy ay ang dating kasintahan ni Drew na umayaw dito.

“Maganda.’’

“Hindi mo siya tinanong­ kung bakit ganun ang nang­yari na basta ka na lang isinantabi.’’

“Hindi na. Ako kasi ang taong hindi na nagkukuwes­tiyon sa pasya ng isang tao. Kahit masakit na basta na lang akong ibinasura­ e hindi na ako nagtanong pa. Ganun ako Marianne—tinitiis na lang ang anuman.’’

“Ang bait mo Drew. Bihira ang katulad mo.’’

“Salamat.’’

‘‘Pero nakakapanggigil ang babaing nagbasura sa’yo. ‘Yun bang masarap sabunutan, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Drew.

‘‘Sorry nadala ako ng awa sa iyo, Drew. Siguro’y dahil sa naging mabait sa akin. Dahil ikaw ang nag­ligtas sa akin. Basta, nanggigil ako sa babaing ‘yun.’’

‘‘Salamat sa pakikisim­patya, Marianne. First time akong nakarinig na may taong kumampi at nagpadama ng awa sa akin—ang sarap pakinggan.’’

‘‘Talaga namang dapat kang suportahan sa nangyari. Basta huwag ko lang makikita ang babaing ‘yun at makikita niya…”

Nagtawa si Drew.

“Nakakatuwa ka pala kapag nanggigigil, Marianne.’’

“Naaawa kasi ako sa’yo.’’

Napatangu-tango lang si Drew.

‘‘Pero siguro kakarmahin din ang babaing ‘yun. Lahat daw ng masamang bagay na ginawa sa kapwa ay babalik din. Humanda siya sa karma!’’

Maya-maya narinig nila ang tawag ni Tikoy sa labas. Uuwi na sila dahil malapit nang lumubog ang araw. Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras dahil sa pagkukuwentuhan.

Kinabukasan, ha­bang nagtatanim ng seedlings ng dalandan, muli na namang nagpa­dama ng awa si Marianne kay Drew.

“Hindi ko malimutan ang kinuwento mo Drew. Talagang naaawa ako sa’yo dahil sa ginawa ng dati mong gf.’’

“Hindi ka maka-move on, ha-ha-ha!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

EBA

PARAISO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with