Monay(131)

Simple ang almusal nina Joem at Cath – fried rice, pritong itlog at hotdog at mainit na black coffee. Masayang nag-uusap ang mag-asawa habang kumakain.

“Ang sarap ng fried rice mo Hon. Paanong ginawa mo rito?’’

“Simpleng sangag lang ýan.’’

“Ba’t ang sarap? Bakit yung fried rice na luto ng cook natin e hindi ganito kasarap? Anong ginawa mo?’’

Nagtawa si Joem.

“Secret.’’

“Ano nga? Kakainis ‘to. Anong secret?’’

‘‘Wala naman. Basta halo lang nang halo sa kanin at saka binudburan ng iodized salt. Yun lang.’’

‘‘Ang sarap talaga. Ang dami kong nakain!’’

‘‘Kasi meron akong nilagay diyan.’’

‘‘Ano?’’

‘‘Gayuma.’’

Napahagikgik si Cath.

‘‘Hindi mo na ako kailangang gayumahin dahil noon pa talagang mahal na kita. Una palang kita nakita e nasabi ko mahal ko na ang lalaking ito.’’

‘‘Aha! Kung ganun, ikaw ang gumayuma sa akin, ha-ha-ha!’’

“Siguro nga, ha-ha-ha!’’

Matapos silang kumain, si Cath ang naghugas ng mga pinggan. Nang makita ni Joem, siya na ang nagpresenta na maghugas.

“Ako na Cath at baka ma­hirapan ka. Maupo ka na lang dun.’’

‘‘Kaya ko ito, Hon. Para paghuhugas lang ng pinggan.’’

‘‘Ayaw kong mahirapan ka.’’

‘‘Okey lang ito. Di ba sabi ko sa’yo kakayanin ko ang lahat basta kasama ka. Kahit mahirap kakayanin ko basta magkasama tayo.’’

Niyakap ni Joem si Cath habang sinasabon ang mga pinggan. Hinalikan ito sa batok at leeg.

Nakiliti si Cath sa ginawa ni Joem.

Isang araw, may si­na­bi si Cath kay Joem.
“Gusto ko ikaw na ang maging Presidente ng kom­panya, Joem. Dama ko napapagod na ako. Alam ko kayang-kaya mong pamunuan ang  kom­­panya.’’ (Itutuloy)

Show comments