Monay (27)

“PAANO ka kuma­kain?’’ tanong ni Monay na halatang ala­lang-alala sa kala­gayan ni Joem na nag-iisa na sa buhay.

“Nagluluto. Kaninang umaga, pritong itlog at kanin ang almusal ko.’’

“Marunong kang mag­luto?’’

“Lahat napag-aara­lan.’’

“E ‘di hindi ka…’’

“Anong hindi ka..,?’’

“Hindi ka gutom nga­yon?’’

“Ah hindi. Bakit may dala kang monay?’’

Tumango si Monay.

“Ano ‘yan para sa akin?’’

Tumango uli si Monay.

‘‘Ang bait mo talaga Monay. Kahit hindi mo alam kung papasok ako o hindi nagdadala ka ng monay.’’

“Nagsisiguro lang ako. Paano kung bigla kang pumasok e ‘di wala akong naialok sa iyo?’’

“Salamat uli. Simula ngayon hindi ka na mag­dadala ng monay.’’

“Magdadala pa rin ako. ‘Di ba ‘yung isang classmate nating babae na hirap din ang buhay ay wala ring baon. Siya ang bibigyan ko.’’

“Baka maging Santa ka Monay.’’

“Santa ka pa diyan.’’

Binago ni Joem ang usapan.

“Gusto ko makausap ang adviser natin. Ipa­lili­wanag ko sa kanya ang nangyari at kung puwede pa ako puma­sok kahit marami na akong absent.’’

“Pakiusapan mo. Nung nakaraan, naka­usap ko si Mam Fran­ces at sinabi ko ang dahilan­ kaya ka absent. Sabi niya gusto kang maka­usap.’’

“Samahan mo kay Mam Frances.’’

“Tena.’’

Kinausap ni Joem ang adviser. Ikinuwento rito ang nangyari sa kanyang mama. Awang-awa ang adviser. Pinayuhan siyang tapusin ang pag-aaral lalo at ilang buwan na lang ay graduation na.

Tuwang-tuwa si Joem at sinabing papasok na.

Maski si Monay ay masayang-masaya sa nangyari.

‘‘Bukas pasok ka na ha, Joem ?’’

“Oo.’’

“Hihintayin kita.’’

(Itutuloy)

Show comments