Alupihan (78)

‘‘Hindi  ka nagpapalaba sa labas?’’

‘‘Hindi Kuya. Sayang din ang bayad.’’

‘‘Ngayon lang nagamit ang washing machine na ‘yan.’’

“Kaya pala bago pa Kuya.’’

“Kasi ‘yung ibang boar­ders ay hindi naman nag­lalaba rito. Nagpapalaba sila sa labas --- diyan sa tapat may laundry shop.’’

“Mabuti sila may pam­bayad, Kuya. Ako e nag­titipid.’’

“Aba oo sa panahon ngayon e dapat magtipid talaga.’’

“Marami akong sinusu­portahan sa probinsiya, Kuya.’’

“Magulang mo?’’

“Oo Kuya at saka mga kapatid ko.’’

“Aba e uliran ka palang anak at kapatid.’’

“Hindi naman Kuya. Ako lang kasi ang talagang makakatulong dahil ako ang panganay. Walang ibang gagawa.’’

“Aba e mabuti ka talagang anak at kapatid.’’

Napangiti lang si Hani at ibinaling ang tingin sa wa­shing machine na umaalu­g-alog dahil nagri-rinse.

Nasulyapan ni Cris ang makinis na hita ni Hani. Maganda ang hubog.

Muntik na siyang mahuli ni Hani na nakatingin mabuti at nabawi agad niya ang tingin.

“Ikaw Kuya, saan kayo naglalaba?’’

“Bakit kayo? Ako lang ang naglalaba, Hani.’’

“Ang asawa mo Kuya?’’
“Biyudo na ako Hani. ‘Di ko pa ba nasasabi sa iyo?’’

‘‘Hindi Kuya.’’

‘‘Biyudo ako five years na.’’

“Ah.’’

“Namatay ang misis ko dahil sa kanser.’’

Napatango lang si Hani.

“Mahirap kapag nag-iisa.’’

‘‘Mayroon kayong anak Kuya?’’

“Wala. Kung may anak sana kami e hindi ako gaanong mangungulila.’’

Napatango lang uli si Hani.

Saka pinaikot muli ang washing machine.

“Siyanga pala, Hani, okey naman kayo ng limang girls? Wala namang problema?’’

“Wala naman Kuya.’’

“Kung minsan kasi sa banyo nagkakaroon ng awa­yan. Kapag matagal maligo ang isa, nagkakagalit.’’

“Ah madaling araw pa lang naliligo na ako Kuya para hindi pila.’’

“Tama ‘yun.’’

Natapos ang paglalaba  ni Hani.

Iniwan na siya ni Cris dahil inaantok na.

Isang araw, nakita ni Cris sina Diana at Gretchen na nag-uusap. Parang nahu­­hulaan na niya ang pinag-uusapan ng mga ito. (Itutuloy)

Show comments