Ahas sa garden (423)

HINALIKAN ni Alexis si Nicole sa labi. Matagal ang paghalik. Mainit at punumpuno ng pagmamahal.

Natatangay si Nicole. Ginanti ang halik ni Alexis. Matagal silang naghalikan.

Pero si Nicole ang bumawi sa nagbabagang­ pa­­kikipaghalikan. Hindi pa panahon. Baka kung saan sila makarating. Ka­ila­ngang­­ makasal muna sila ni Ale­xis. Gusto niya, nasa ayos ang lahat. Ayaw niyang may masasabi ang marami­ na nakipagrelasyon siya kahit wala pang basbas­ ng pari. Gusto niya, ma­kasal muna bago ang pakiki­pag­niig.

“Tama na, Love. Dara­ting din ang hinihintay mo. Baka mayroong masabi ang mga nakakakilala sa atin.”

Napatango si Alexis.

“Ikaw ang masusunod, Nicole. Kaunting panahon na lang. Kayang-kaya nang maghintay.’’

“Oo, Love, kayang-kaya mo na.’’

“Lalo akong nasasabik Nicole.’’

Kinurot ni Nicole sa braso si Alexis.

Makaraan ang isang  oras, ipinasya nilang umuwi na.

ISANG araw hindi inaasahan ni Alexis ang pagtawag ni Manang mula sa Australia.

“Hello, Alexis, si Manang ito.’’

“Manang, kumusta ka?’’

“Eto mabuti naman. Ang tagal mo akong ‘di tinawagan kaya ako na ang tumawag. Siguro mas­­yado ka nang maraming kuwarta kaya nalimutan mo na ako.’’

Nagtawa si Alexis.

“Sorry Manang. Busy lang po ako.’’

“Alam mo ba kung bakit ako tumawag, Alexis?’’

“Bakit po Manang?’’

“Uuwi kami riyan nina Cindy at mga anak niya. Gusto nila makarating sa Philippines.’’

Tuwang-tuwa si Alexis sa sinabi ni Manang.

“Aba tamang-tama ang pag-uwi ninyo Manang. Ikakasal na po ako.’’

“Talaga? Congrats. Sige darating kami sa kasal mo!”

(Itutuloy)

Show comments