Ahas sa Garden (414)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2020 - 12:00am

“Bibitiwan kita kapag nagsawa na ako sa’yo!’’ Sabi ng addict at hinaltak si Nicole.

Nawalan ng panimbang si Nicole at napasub­sob. Nagtangka siyang bumangon pero mabilis siyang nakubababawan ng addict. Pilit siyang ku­makawala sa pagka­ku­babaw ng addict pero masyadong mabigat­. Hindi siya halos makakilos­ sapagkat naipit siya nang todo. Wala siyang magawa kundi magmaka­awa. Iyon na lamang ang magagawa niya sa harap ng nakaambang panganib.

“Maawa ka sa akin. Ma­aawa ka!’’

Pero ang pagmama­kaawa ni Nicole ay nawalan ng saysay sapagkat lalo pang naging marahas ang addict. Wala nang natitirang awa.

Hinaklit nito ang damit ni Nicole. Nasira ang damit at nalantad ang katawan ni Nicole. Bra ang natira.

Halos lumuwa ang mga mata ng addict. Parang asong ulol na tumulo ang laway sa pagkasabik.

“Sabi ko na nga ba at napakakinis mo. Salap-salap!’’

“Maawa ka. Parang awa mo na!’’ Sabi ni Nicole.

“Pagkatapos mo akong pagurin, hihingi ka ng awa. Pagkatapos kitang papakin, saka ka humingi ng awa.’’

Ibinaba ng lalaki ang patalim.

Mabilis ang kilos ni Nicole ng sandaling iyon.

Bigla niyang itinulak ang addict na nawalan ng pa­nimbang at nakawala sa pagkakubabaw.

Sinamantala ni Nicole ang pagkakataon. Nagta­takbo siya. Walang puk­nat. Huling pagkakataon na niya.

Pero dead end pala ang direksiyon na tinungo niya.

“Wala ka nang pupuntahan. Dead end!’’

Pero tumakbo pa rin si Nicole. Bahala na.

Hanggang sa isang matipunong kamay ang huma­wak sa kanya. Kamay ng tagapag­ligtas!

(Itutuloy)

NICOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with