Ahas sa garden (322)

“AKALA ko ba may utang sa iyo si Jambo, Bren? Ako ang mani­ngingil para sa iyo. Malakas ka sa akin eh!’’ sabi ni George habang pinagmamasdan nila sa di-kala­yuan si Jambo. Walang kamalay-malay si Jambo na natunton na siya ni Brenda at meron itong binaba­lak.

“Huwag muna ngayon, George. Ikaw ang maniningil kay Jambo pero sa ibang araw na.’’

“Sabihin mo lang Bren kung kailan. Bagyo ka sa akin eh. Basta maganda, ma­lakas sa akin.’’

“Binobola mo ako George.’’

“Hindi, Bren. Nagsasabi lang ako ng totoo.’’

“Gusto mo ako, George?’’

Napangiti lang si George.

“Hindi ka nagsasalita e di gusto mo ako.’’

“Cute ka kasi, Bren.’’

“Cute lang?’’

“Maganda at sexy ka.’’

“Mahusay ako sa bed, George.’’

Napa­ngiti uli si George. Hindi niya ina­asahan ang ka­prang­kahan ni Brenda.

“Gusto mong masubukan, George?’’

Namula si George.

“Tena sa condo ko.’’

“Paano si Jambo?”

“Saka na lang ang hinayupak na ‘yan. Tena na George.’’

Tuwang-tuwa si George habang luma­labas sila sa casino. Suwerte yata siya nga­yong araw na ito dahil kusang lumapit ang grasya.

Nang makarating­ sa condo, pinatuna­yan ni Brenda kay George na mahusay siya sa labanan. Bete­rana siya nang mara­ming digmaan. Wala siyang kapaguran. Siya ang nakihamok nang nakihamok.

At sa huli, napatunayan ni George na kakaiba si Brenda. Ngayon lang siya nakatagpo ng ga­nito.

Kinabuka­san, nasa paborito uli silang res­tawran. Doon si­nabi ni Brenda kay George ang plano kay Jambo.

“Gusto kong makaganti kay Jambo. Patayin mo siya George!”

(Itutuloy)

Show comments