Ahas sa garden (261)

MAKARAAN ang dalawang linggo, magaling na si Sir Nath at iniuwi na sa condo unit nito. Matikas na uli ang itsura ni Sir Nath. Tuwang-tuwa si Cindy sa mabilis na recovery ng ama.

“Next week Daddy, aalis na tayo, patungong Australia. Ayusin mo na ang lahat nang aayusin dahil doon ka na mamamalagi.’’

“Oo Cindy. By the way, ipatawag mo nga si Simon – yung tumulong sa akin at may sasabihin ako sa kanya.’’

“Yes Dad. Tatawagan ko.’’

Maya-maya, dumating na si Simon.

“Mayroon akong ibibigay sa’yo Simon.’’

“Ano po yun, Sir Nath?’’

May dinukot si Sir Nath. Susi.

“Susi ito ng condo unit na ito. Ibibigay ko na sa’yo ang condo na ito bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa’yo.’’

Halos mangiyak-ngiyak si Simon.

“Salamat po, Sir Nath.’’ (Itutuloy)

Show comments