Ahas sa Garden(55)

WALA namang kamalay-malay sina Brenda at Alexis na pinanonood sila ni Manang sa bintana.

Kaya pala ayaw paalisin ni Brenda si Alexis ay dahil uutusan itong lagyan ng lotion ng likod para safe sa sikat ng araw.

Sa totoo lang, nag-aalala si Alexis sa ipinagagawa ni Brenda. Baka biglang dumating si Sir Nath ay masama ang isipin nito. Pero wala naman siyang magawa dahil inuutusan nga ni Brenda.

Habang pinapahiran ni Alexis ang likod ni Brenda ay kinakabahan siya. Kapag dumating si Sir Nath, baka isiping may ginagawa sila ni Brenda.

“Damihan mo ang lagay ng lotion sa palad mo Alexis.’’

“Opo.’’

Nilagyan ni Alexis ang palad at saka pinahid.

“Ganyan! Ikalat mo sa likod ko para matakpan lahat.’’

Ginawa ni Alexis.

“Malambot ang palad mo, Alexis. Kahit trabaho ka nang trabaho ay malambot ang palad mo.’’

“Salamat po.’’

“Nakakainip sa kuwarto! Umalis na naman kasi si Babe at hindi ako isinama! Kakaasar!’’

Hindi nagsalita si  Alexis. Tuloy lang siya sa pagpapahid ng lotion.

“Baka isang linggong wala si Babe. Kakainip na talaga!’’

“Bakit di ka po mamasyal?’’ naitanong ni Alexis.

“Magagalit si Babe!’’

Nagtaka si Alexis. Ba’t kaya magagalit?

“Di bale maliligo na lang ako araw-araw. Kaya lagi mong linisan itong pool, Alexis.’’

“Opo. Lagi ko pong lilinisan.’’

(Itutuloy)

Show comments