Sadiq (121)

“GUSTO kong magpasalamat sa’yo Mommy,” sabi ni Sadiq habang nakaakbay kay Gina. Nakaupo sila sa sopa.

“Para saan at gusto mong magpasalamat?’’ nagtataka si Gina.

“Dahil sa pag-ibig mo sa akin – dahil sa pagtanggap mo sa akin.’’

Nakangiti si Gina habang nakatingin kay Sadiq.

“Mahal na mahal kasi kita. Ikaw ang lahat sa akin, Daddy.’’

“Salamat dahil kahit dati akong bakla ay minahal mo ako.’’

“Masarap namang mahalin  ang bakla.’’

“Ibig kong sabihin kahit na may mga nakaraan akong hindi maganda noon, tinanggap mo ako. Wala kang sinabing anuman. Buong puso mo akong tinanggap. Wala ka nang tinanong ukol doon.’’
“Ang tunay na nagmamahal, hindi na nagtatanong pa sa kanyang minamahal. Basta ako, ang alam ko’y mahal na mahal kita, tapos!’’

“Salamat Mommy. Kaya naman talagang sinusuklian ko ng buong katapatan ang ipinadarama mong pag-ibig sa akin. Hinding-hindi ako magbabago. Lagi kitang mamahalin, forever.’’

“Wow! Parang tele-serye pala ang pagma-mahalan natin.’’

“Baka mas maganda pa. Talagang kakaiba ang pag-iibigan natin. Kung mayroon mang may ma­gandang kuwento ng pag-iibigan, yun ang atin. Walang makakatulad. Marami tayong nilampasang pagsubok at nanatili tayong matatag.’’

Biglang niyakap nang mahigpit ni Gina si Sadiq.

“Tama ka, Daddy. At kung mayroon mang lala­king pinakadakila, ikaw yun. Ipinadama mo sa akin ang tunay na pagmamahal. Wala kang katulad. Nag-iisa ka para sa akin.’’

Hinalikan ni Sadiq si Gina. Isang masuyong halik sa labi.

(Itutuloy)

Show comments