Sadiq (99)

DAHIL maaasahan na ang tatlong anak sa kanilang food business, hindi na nag-aalala si Sadiq kapag umaalis sila ni Gina para sa chemo session nito. No­ong sine-setup pa lang niya ang tindahan, iniisip niya kung sino ang magbabantay sa tindahan kapag sasamahan si Gina sa pagpapagamot nito. Hindi pala dapat problemahin iyon sapagkat ang mga anak ang nagtutulung-tulong.

Pero nag-aalala pa rin si Gina habang nasa ospital sila. Hindi maaalis sa isip niya na baka magkaroon ng problema sa tindahan habang wala silang mag-asawa.

“Pagkatapos ng chemo ko e umuwi agad tayo, Daddy?’’

“Bakit?’’

“Nag-aalala ako sa mga anak natin. Baka may mangyari sa stall natin. Baka may manggulo. Baka may tumakbo at hindi magbayad ng inorder!’’

“Huwag ka ngang ganyan, Mommy, nagi­ging negative ka na naman.’’

“Naiisip ko lang Daddy.’’

“Matatalino ang mga anak mo at mahusay magdesisyon. Kayang-kaya nila ang negosyo natin. Please calm…’’

Tumahimik si Gina. Naisip niya, bakit nga ba siya magwo-worry e matatalino ang kanyang tatlong anak. Hindi basta-basta maloloko ang mga ito. Ki­nalma ni Gina ang sarili. Tama ang asawa, huwag siyang maging negatibo.

(Itutuloy) 

Show comments