Damo sa Pilapil (140)

“GUSTO mo na talaga rito? Mabagal ang usad ng buhay dito, Love?’’

“Walang problema, Love. Nasanay na ako sa mabilis na buhay sa Maynila kaya gusto ko naman ay mabagal. Ano sa palagay mo?’’

“Kung yan ang gusto mo e di dito tayo mamuhay. Gaya nang sinabi mo magtatayo na lang ako ng extension office ng kompanya natin dito at magrereport na lang sa akin ang mga tauhan. Bibisita na lang ako sa main office twice a month.’’

“Tama, Love. Kaila­ngan din naman makalaya tayo sa maraming gawain sa office. Bawas stress dito sa province.’’

“Oo nga. Masarap talaga ang hangin dito ano?’’

“Super sarap.’’

“So okey na sa iyo ang kubo na ito para pahingahan natin?’’

“Tamang-tama ito, Love.’’

“Wala ka nais idagdag?’’

“Wala na. Gusto ko, ma­mayang palubog ang araw, dalhin mo ako sa palayan na may bagong tanim na palay. Gusto kong makita ang bagong tanim na palay, Love.’’

“Sige dadalhin kita roon. Ipakikita ko rin sa’yo ang mga bagong tambak na pilapil na ngayon ay may sumisibol nang mga damo.

 

KINAHAPUNAN, isinama ni Zac si Dulce sa malawak na palayan na bahagi ng kanilang nabili.

“Iyan ang mga bagong tanim na palay, Love.’’

“Saan nanggaling ang seedlings ng palay?’’

“Binubunot sa bawat plot o mga kama. Pagkatapos bunutin, saka itatanim nang marahan sa malinis na putik. Nakayuko ang mga nagtatanim habang itinutusok sa putik ang seedlings o punla.’’

“Masakit sa likod ang magtanim ano?’’

“Sinabi mo pa. Naranasan ko ‘yan lahat, Love. Kabisado ko ang pagta­tanim.’’

“Dalhin mo ako sa ba­gong gawang pilapil.’’

Dinala ni Zac ang asawa sa bagong pilapil.

“Ito ang bagong pilapil. Bago pa lang tinutubuan ng damo. Ako ang halimbawa ng damo, remember?’’

Tumango si Dulce. Ti­ningnan ang mga damo na nagsisimulang tumubo. At saka tumingin sa asawa.

(Itutuloy)

Show comments