Damo sa Pilapil (93)

HABANG naglalakad pabalik sa kanilang tirahan ay nagkukuwento pa rin si Mam Dulce ng buhay nito kay Zac. Tila lahat nang mga nangyari sa kanyang buhay ay gustong ikum­pi­sal. Maliwanag sa kanilang nilalakaran sapagkat may mga nakahanay na poste ng ilaw. Natatanaw nila ang karagatan na unti-unti nang nilalamon ng dilim. May mga bangkang pa­ngisda na nagsindi na ng ilaw.

‘Alam mo Zac, makaraang patawarin ko ang aking asawa, gumaan ang pakiram­dam ko. Ganun pala ang na­raramdaman kapag nagpatawad.’’

‘Maligaya rin sigu­rong namatay ang asawa mo Mam dahil pinatawad mo siya.’’

“Oo. ‘Yun lang ang gusto niya, ang marinig na pinatawad ko siya. Hindi na nga niya nais na kupkupin ko pa dahil may taning na nga siya, ako na lang ang nagpumilit. Ewan ko, pero ganun talaga ako kabait.’’

“Kaha­nga-hanga ka nga Mam. Sa kabila na masakit ang ginawa sa’yo e handa ka pa ring magpatawad.’’

‘‘Martir ba ang tawag dun?’’

‘‘Oo Mam, martir ka nga. Pambihira kang babae!’’

Ngumiti lamang si Mam.

Nag-dinner sila sa restaurant na malapit sa kanilang inokupang bahay. Naka-reserve na sila roon. Naroon ang lahat nang pagkaing gusto nila. Nagpista sila sa seafoods. Uminom sila ng beer.

“Tama ka, Zac, okey nga ang Encarnado Re­sort, the best! Nga­yon lang ako nasiyahan. Si­guro dahil kasama ka.’’

“Salamat Mam.’’

Pasado alas nu­we­be na ng gabi nang matapos silang kumain. Pagkatapos ay tinungo na nila ang kubotel – kubo na style motel.

“Wow ang ganda!’’ Sabi ni Mam.

“Dalawang room ito Mam. Dun ako sa kabilang kuwarto at dito ka naman.’’

“Wala kayang multo rito, Zac?’’

(Itutuloy)

Show comments