^

True Confessions

Black Widow (70)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG ikaw ang nasa kalagayan ng asawa ni Jam, papayagan mo bang ipakita ang mga anak n’yo ?’’ Tanong ni Marie kay Jose.

“Hindi!’’

“Bakit?’’

“Masyadong mabigat kasi ang ginawa ni Jam --- nanlalaki at nabuntis pa.”

“E ba’t paglalaki ang nangaliwa parang okey lang at kapag babae ay parang napakasama na. Hindi parehas!’’

“Iba kasi kapag babae ang gumawa ng ganoon. Mahirap ma­tang­gap ng lalaki na nagpaanak sa iba ang asawa.’’

“Ay ewan ko, basta ang aking balak, kakausapin ko ang dating asawa ni Jam. Bakasakali, pumayag na ipakita ang mga anak kay Jam. Ano sa tingin mo?’’

“Sige, i-try mo pero mag-ingat ka rin. Baka kasi isipin na nakikialam ka. Baka makatikim ka ng hindi magandang pananalita.’’

“’Yan nga ang iniisip ko, Jose.’’

“Ipaalam mo muna kay Jam bago ka gumawa ng hakbang. Mabuting alam niya para safe ka.’’

“Oo. ‘Yun nga ang balak ko. Salamat sa payo Jose.’’

 

PROBLEMADO na naman si Jam nang makausap ni Marie sa cell phone isang madaling-araw. Ang dalawang anak na naman ang hinahanap nito. Napanaginipan daw niya na minamaltrato ng stepmother. Parang hindi na raw siya tatagal. Gustong-gusto na raw niyang makita.

Matapos mag-usap, apektado na si Marie sa problema ng kaibigan. Kailangan na nga sigurong makausap na niya ang asawa ni Jam at pakiusapan ito na ipakita ang dalawang anak sa dating asawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BAKASAKALI

BAKIT

GUSTONG

IPAALAM

ITUTULOY

JAM

KAILANGAN

MABUTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with