Michael Sager, kinaiinggitan!

Kinaiinggitan ba si Michael Sager ng kasamahan niya sa Sparkle at talagang hindi siya nawawalan ng trabaho?
After Shining Inheritance, heto siya at meron nang My Ilonggo Girl with Jillian Ward. Tapos nasa TictoClock siya at T! Ang saya lang na very visible si Michael na talaga, kasi siya naman ang pinaka-promising na young actor ng GMA ‘di ba?
Ok nga kung magiging male PBB Kapuso host if ever.
Alex, pinaringgan ng Bubble Gang writer
Number 1 ang Tamang Panahon na comedy special ni Alex Calleja sa Netflix. At may comment ang Bubble Gang writer na si Chito Francisco na ang sabi. “Nanood ako ng Netflix special ng isang Pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko. Well, marami pa ako niyan brod. Marami ka pa puwede nakawin.”
Ano kaya ang reaksyon ni Alex sa comment na ito? Seryoso itong akusasyon ng plagiarism. This is no laughing matter.
Mavin/Jolina may pressure
Ngayon mag-o-open ang reunion film nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal na Ex Ex Lovers at dito masusubok ang drawing power nitong dalawang ‘90s stars.
To add to that, may cameos pa ang mga kasama nila sa Gimik noon na sina Mylene Dizon, Dominic Ochoa pati nga si Judy Ann Santos eh. Sana makatulong na ito sa pag-engganyo sa mga taong manood sa sinehan ‘di ba?
Sana nga nakatulong ang sipag sa pagpo-promote ng dalawang bida sa pagiging film event nitong pelikulang ito.
Remember, this took the place of the Kim Chiu-Paulo Avelino film na dapat nasa Feb. 12 playdate ‘di ba?
Good luck talaga!
Nakakataquote:
Philmar at Andi, ok na raw!
“It all went way too far and should have been handled in private. Ok na kami.”
– Philmar Alipayo on the Andi Eigenmann feud
- Latest