^

PSN Showbiz

Kathryn at Alden, sigurado na sa HLG 2!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn at Alden, sigurado na sa HLG 2!
Alden, Kathryn, Lovely, Maymay at Kakai
STAR/File

Buhay na buhay ang KathDen fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards nang mag-viral sa X ang hashtag na #KathrynGracefulAt28.

Dumalo kasi si Alden sa birthday celebration ni Kathryn noong Martes ng gabi na ginanap sa isang yate sa Isla Amara sa El Nido, Palawan na pag-aari ni Kathryn.

Nandun din ang ibang partners ni Kathryn sa naturang resort, maliban lang kay Piolo Pascual.

Star-studded ang naturang selebrasyon na ilan sa nakita namin sa social media posts na dumalo ay sila Joshua Garcia kasama ang girlfriend na si Emilienne Vigier, Dominic Roque, Allora Sasam ang mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda ang kaibigang designer ni Kath na si Mark Bumgarner, Zanjoe Marudo, at ang mag-asawang Rambo Nuñez at Maja Salvador.

Bukod kay Alden ay nandun din ang iba pang co-stars sa pelikula nilang Hello, Love, Goodbye na sina Kakai Bautista, Lovely Abella at Maymay Entrata.

At may naririnig kaming bulung-bulungang itutuloy na raw ang part two ng Hello, Love, Goodbye.

Lalo naman naintriga ang pagdalo roon ni Jericho Rosales na may isang post kasama si Zanjoe. Namamalisyahan pa rin talaga ang closeness nina Echo at Kathryn. Marami rin sa fans ni Kathryn na kontra sa ideyang nagkakamabutihan ang dalawa.

Ang sabi naman sa amin ng ibang fans, meron daw kasing movie project na pagsasamahan nina Echo at Kathryn.

Kita ang sobrang saya sa mukha ni Kathryn at may mga iba pang close friends na nag-surprise sa kanya.

Ang tanong tuloy ng iba, kumusta naman kaya si Daniel Padilla?

Marami pa rin ang naghahanap sa dating boyfriend ng aktres at umaasang sana magkabalikan sila.

Hindi naman nakalimot si Daniel dahil nung Martes ng madaling araw ay nag-post na siya ng graphic image nila ni Kathryn na may nakasulat na “Happy birthday to you” in Japanese character.

Beaver at Mutya, binagyo sa Benguet!

Ang ganda ng Atok, Benguet na mapapanood sa pelikulang When Magic Hurts nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia.

Sa trailer pa lang ay napakaganda na talaga, dahil talagang nag-bloom nang bonggang-bongga ang mga bulaklak nang nag-shoot sila roon. “Talagang sobrang ganda po. Saka ‘yung weather po, ang ini-expect ko po sa ibang bansa lang nakikita na kapag malamig lumalabas ‘yung hangin kapag nagsasalita ka, ‘yung usok po? Dun po naranasan ko ‘yun,” saad ni Beaver sa tsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Lunes Santo.

Inabot pa nga raw sila ng malakas na bagyo roon, pero mabuti at napagbigyan naman sila ng magandang panahon kaya natuloy nila ang shoo­ting. “Actually, naabutan po kami ng bagyo during the time na nagso-shoot kami. So, sobrang lamig po talaga as in.

“Ang na-experience ko po, I think was 6 (degrees celsius), umabot po kami ng 6. Super cold po talaga. Pero thankfully po nagagawa po namin kahit may bagyo,” sabi pa ni Beaver.

Pero hindi lang ang Atok ang gusto pang i-promote ng young actor.

Sobrang proud siya sa Dingalan sa Aurora na malapit lang sa kanilang bayan sa Nueva Ecija.

Tinaguriang Batanes of the East ang Dingalan sa Aurora dahil sa napakagandang tanawin doon.

Magandang mag-surfing sa beaches nila roon at ang gaganda rin ng waterfalls nila.

Itong falls nila ang na-feature sa music video ni Beaver na kung saan ni-record ang sarili niya ng cover ng kantang Can’t Take My Eyes Off You.

Ang ganda ng pagkakanta niya at nakadagdag pa sa ganda ang mga tanawin sa Dingalan.

Kaya ngayong summer, maganda ngang i-explore natin ang mga magagandang lugar na ito kagaya ng Atok sa Benguet, at ang Dingalan sa Aurora.

Naka-schedule na sa May ang playdate ng When Magic Hurts pero magkakaroon na ito ng special screening sa April – sa SM North EDSA sa April 15 at sa April 19 naman sa SM Cabanatuan City.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with