Can’t buy me love tumabo na ng 500 million views sa Tiktok!

Belle Mariano at Donny Pangilinan

Nag-uumapaw na kilig at suspense ang nararamdaman ng mga manonood sa kwento nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano) kaya naman no.1 pa rin ang Can’t Buy Me Love sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ngayong araw at tumabo na sa higit sa 500 million views ang serye sa Tiktok noong Nobyembre 1. 

Isa pa rin ang Can’t Buy Me Love sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo. Hindi rin nawawala sa Twitter trending topics at patuloy na pinag-uusapan ang serye gabi-gabi. 

Ngayon nga unti-unti nang nalalaman ni Caroline ang impormasyon tungkol sa tangkang pagpapa-kidnap sa kanya ng kanyang kapatid. Sa tulong ni Bingo, nakahanap ng pruweba si Ling na magagamit kay Irene (Maris Racal). 

Mukhang hindi pa naman ligtas ang kanyang buhay sa mga misteryosong taong patuloy na nagmamanman sa kanyang galaw. 

Samantala, tuloy-tuloy ang problemang kinahaharap ng pamilya ni Caroline. Matapos nilang madiskubre ang pagiging babaero ni Edward, na-hack naman ang bangko ng kanilang kompanya. 

Ngayong babalik na sa mansyon si Ling, tuluyan na kayang maputol ang ugnayan nila ni Bingo? Mabayaran na kaya niya si Bingo at mapatunayang si Irene talaga ang nagpadakip sa kanya?

Napapanood din ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.

Show comments