Alvin Patrimonio, naalala sa pagkamatay ni Nap Gutierrez

Alvin Patrimonio

Totoo kayang P1,500 lang ang ibinigay na abuloy ni Alvin Patrimonio sa dati niyang manager na si Nap Gutierrez na pumanaw more than a week ago?

Ito raw ang kwento ng mga nagbabantay sa lamay ni Nap last week.

Though nagpasabi naman daw ang dating sikat na basketbolista na dadalaw ito.

Baka dun naman siya nagbigay ng dagdag na abuloy.

Tumatak sa basketball fans ang P25 million contract ni Patrimonio na pinirmahan sa Purefoods noong 1991 for five years – ang diumano’y pinakamalaking kontrata ng manlalaro ng PBA noon na si Nap ang nag-negotiate bilang kanyang manager.

Pero umabot din naman sa korte ang kanilang tunggalian sa pera.

Kabilang naman sa mga tumulong kay Nap noong magkasakit ay ang dating misis ng basketball player ding si Terrence Romeo, si Pia, na sadly ay nakulong naman dahil sa kasong estafa.

Ewan ko kung nakapag-bail na ito.

Makulay ang buhay ni Nap bilang player-agent at talk show host ng showbiz talk shows.

Show comments