^

PSN Showbiz

Arjo, ayaw idetalye ang kasal nila ni Maine

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arjo, ayaw idetalye ang kasal nila ni Maine
Arjo at Maine
STAR/ File

Kahit abala bilang isang aktor ay hindi naman umano napababayaan ni Arjo Atayde ang tungkulin bilang Congressman sa 1st district ng Quezon City.

Ayon sa binata ay talagang sinisikap niyang pagtuunan ng panahon ang lahat ng kanyang tungkulin at ang mga mahal sa buhay. “Definitely time management. I was able to get used to it that I’m not forgetting anything. Definitely there’s always time especially for Maine and my family. During my free time or free days, I spend with them. We spend time definitely doing things that we want to do,” pagbabahagi ni Arjo.

Matatandaang Hulyo noong isang taon nag-propose ng kasal ang aktor sa kasintahang si Maine Mendoza.

Magaganap ang pag-iisang-dibdib nina Arjo at Maine ngayong taon.

Abala na rin ang magkasintahan sa paghahanda para sa pinakaaabangang kasalan. “Definitely the wedding is in the works but that’s all I can say for now. We’re preparing for it. I’m enjoying it. And definitely it’s within the year. It’s also part of what we’re planning right now. Surprise na lang,” nakangiting pahayag ng actor-politician.

Hindi raw nagmamadali sina Arjo at Maine na bumuo kaagad ng sariling pamilya pagkatapos ng kasal. “We’ll definitely enjoy each other’s time first and then we’ll see. Diyos na bahala, si Lord na bahala sa amin when it comes to that. We’re looking forward to enjoying each other’s company as a married couple,” pagtatapos ng binata.

Gabbi, kinabahan kay Jodi

Isang malaking karangalan para kay Gabbi Garcia na mapabilang sa Unbreak My Heart na napapanood na sa GMA Telebabad.

Kasamahang bida ng aktres sa naturang serye sina Joshua Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng kolaborasyon para sa isang serye ang ABS-CBN at GMA. “First of all, I’m very, very honored to work with brilliant actors. I’ve learned a lot. Every day is a new learning day for me. And I’m grateful because they’re such giving actors, they’re such generous actors. Hindi ako naka-feel ng kahit anong intimidation lalo na kay ate Jodi. Actually, at first talagang kinakabahan ako maka-work siya. Kasi she’s an award-winning actress and I haven’t met her ever. So ang daming questions in my head na, ‘Sana, maging okay ‘yung connection naming dalawa,’” nakangiting kwento ni Gabbi.

Bago pa man tumungong Switzerland para sa taping ng bagong proyekto ay naging magkaibigan na raw ang Kapuso actress at si Joshua. “Joshua and I knew each other before this project. Kasi nagkasama na kami sa iba’t ibang gatherings with our friends. So komportable na kami sa isa’t isa prior to this project. And mas nakilala pa namin ang isa’t isa when we did this project,” pahayag ng dalaga.

Naramdaman ni Gabbi ang pagiging maalagain ni Joshua habang ginagawa ang naturang serye. “Josh is very very respectful and maalagain. He’s very, very sincere and he’ll make sure you’re comfortable every step of the way,” dagdag pa ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with