‘Nakakagulat!’

Vic Sotto

Parang nakakatamad ang araw.

Kasi nga hindi mo alam magi­ging takbo dahil bigla kung minsan nababago ang mga plano.

Hindi mo na-imagine na mawawala sa Eat Bulaga sina Tito, Vic, and Joey at lilipat ito ng ibang network pagkatapos ng ilang dekada.

Hindi mo naimagine na mawawala o hindi mo mapapanood ang TVJ sa TV.

Nagkaedad tayo at nagdaan ang mga taon na nandiyan ang Eat Bulaga.

Mula pa nun bahagi na ng tanghalian natin sina Tito, Joey, at Vic.

So parang may kulang pag wala sila.

Kahit ano pang sabihin o mangyari, Tito, Vic, and Joey will always be a part of us. Kasama na sila sa history ng showbiz, kasabay na sila sa buhay natin, kaya buong bansa, Eat Bulaga.

Kaya nga nakakagulat na hindi sila nakapagpaalam ng maayos sa programa kung totoo nga hindi na sila dun mapapanood.

Ano nga bang mangyayari sa Philippine television?

Maraming natulungan ang kanilang programa na kabilang sa mga hindi makakalimot dito.

Show comments