Grand finals ng The Clash 2023, ngayon na!

Lani Misalucha

This Sunday (May 28), magtatagisan ng galing sa pagkanta sina ‘Feisty Diva’ Arabelle dela Cruz, ‘Baby Girl Biritera’ Liana Castillo, ‘Sexy Songstress’ Mariel Reyes, at ‘Simpatikong Bokalista’ Rex Baculfo. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling The Clash Grand Champion?

Matinding pasiklaban ang aabangan sa Clash Arena kasama ang Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

May bonus pang pakilig kasama ang #JulieVer at Clash Masters na sina Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

In an interview, the Clashers shared one best thing they learned from the competition.

According to Arabelle, “Hindi mo mapipigilan na ma-pressure habang nagpe-perform pero natutunan ko na kung paano i-handle ang emotions ko sa stage.”

Liana, in turn, developed her own style of singing. “Mahina ako sa storytelling sa pagkanta. Pero ngayon, mas nailalabas ko na ang nararamdaman ko sa tuwing nagpe-perform,” she mentioned.

Meanwhile, The Clash 2023 taught Mariel to accept her flaws. She said, “Dati sensitive ako kapag may nababasa or naririnig ako, umiiyak ako agad. But now, mas kaya ko nang maging strong palagi.”

Rex, on the other hand, gained his confidence in the show, “Dati nu’ng nagsisimula ako, hindi talaga ako confident. Pero dahil sa The Clash natutunan ko nang magtiwala sa sarili.”

Tutukan ang grand finals ng The Clash 2023, this Sunday at 7:50 p.m. on GMA Network.

Show comments