^

PSN Showbiz

Vice, may aaminin sa anibersaryo ng Magandang Buhay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice, may aaminin sa anibersaryo ng Magandang Buhay
Regine, Jolina at Melai
Instagram/Melai Cantiveros

Tuloy ang misyon ng Magandang Buhay na ipaalala ang kagandahan ng buhay kasabay ng pagbibigay aliw at aral nito sa momshies, popshies, at anakshies sa pagdiriwang nito ng ika-pitong anibersaryo ngayong Mayo 29 at 30.

At makakasama nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal ang Phenomenal Unkabogable star na si Vice Ganda.

Sa kauna-unahang pagkakataon, mag-o-open up si Vice Ganda sa momshies tungkol sa kanyang buhay at love life.

Ikukuwento rin niya ang kanyang pagkakaroon ng bagong titulong Your Memejesty, Queen VG,  na siyang pangalan din ng kanyang inaabangang concert sa darating na June 2.

At ikuwento rin kaya ni Vice rito ang nangyari sa kanyang kapatid?

Makakasama rin niya ang mga ‘Batang Cute-Po’ ng It’s Showtime at ilan sa malalapit na minamahal ni Vice.

Samantala, umabot kaya ng pitong taon tulad sa Magandang Buhay ang programa ng dating ka-momshie na si Karla Estrada na Face to Face?

Totoo kayang nahihirapan itong mag-adjust sa programa at laging naka-depend sa idiot board ang lahat ng mga sasabihin sa ere?

Anyway, si Eugene Domingo nga ang original choice sa Face to Face, pero hindi raw nagpa-discount sa talent fee at nung tinanggap na ni Karla ang programa saka ito nagpasabi na payag na itong bawasan ng talent fee.

Pero in the end ay napunta kay Karla ang programa na nagpalit na pala agad ng direktor.

vuukle comment

MAGANDANG BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with