Inside Out

 

Una kong nagustuhan ang mga gawa ni Contemporary Artist, Monnar nung makita ko ang isa niyang obra na  may titulong: Radio Broadcaster. Kasagsagan ‘yun ng pagiging Radio Jock ko, kaya feeling ko bagay sa’kin ‘yung painting at agad kong binili. (may budget si bakla!) May mga iba pa akong gawa n’ya na naging part na koleksyon ko. (feeling may kultura talaga ako!) Bilib kasi ako sa istilo n’ya, makulay, mabusisi at malikot ang imahinasyon. (eh ako malikot lang!) Anak s’ya ni Legendary Artist, Manuel Baldemor (na favorite ko ha!)  pero hindi n’ya kinopya ang gawa ng kanyang tatay. May sarili s’yang tatak.  (penge po painting!)

Kasama si Monnar sa Inside Out Exhibit na inorganisa ng Art Circle Gallery sa Art Center SM Megamall. (‘yang Art Circle ang dahilan ng pagka-adik ko sa paintings!) Dito naman naglabas s’ya ng mga bagong piyesa na ibang-iba sa nakagisnan kong gawa n’ya. Makikita mo pa rin ‘yung talento n’ya bilang artist. (walang kakupas-kupas!)

 Nakilala ko rin sa exhibit si Chris Pizarro. Lagi ko nang nakikita ang mga gawa n’yang colored stones sa mga gallery, pero ngayon ko lang s’ya na-meet. (Sana maharbatan ko s’ya ng painting!) Naglabas din s’ya ng mga ibang art series para sa exhibit na ito. (walang makakapigil kay sir!)

 Nagkachikahan naman kami ni Oliver Marquez. (‘di ko natanong if close sila ni Melanie ha!) Mahilig s’ya noon sa paggawa ng Pop Art tampok ang mga sikat na Pinoy celebrities, (may ginawa s’ya dating obra nina Tito, Vic and Joey!) hanggang sumubok s’ya ng ibang tema tulad ng mga magagandang babaeng magkakamukha. (mga kasing ganda ko ganyan!) Ngayon naman ibinida n’ya ang kanyang mga abstract paintings. (lahat kayang gawin ni koya!) Ang pinakabonggang naganap sa usapan namin ay ‘yung aming swap deal. Bibigyan n’ya ako ng artwork n’ya, give ko rin s’ya ng The Art of FU. (para-paraan din ako e!) Nagulat nga ako, kinabukasan, nag-send na s’ya ng litrato ng nagawa n’yang pyesa para sa’kin na may caption na: “Marami ka napapaligaya, kaya ikaw ang Clown namin. Meganon?!” (ay tawagin ang Boyoyong Clowns!)

 Ang Inside Out Exhibit ay nagpapakita ng mga naitatago pang galing ng mga Contemporary Artist at ‘yung patuloy nilang paglalabas ng natatangi nilang imagination at expression sa pamamagitan ng kanilang mga likha.  (may naitatago kaya ako?!) Kasama rin nila Monnar, Chris at Oliver  dito sina Joel Mahilum, Elias Pernecita, Jr. at Jaime Nepomuceno. Hanggang May 30, 2023 ang exhibit. (so may time pa ako mangharbat sa kanila!)

 (Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. 

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

Show comments