^

PSN Showbiz

Mga anak na lalaki ‘di raw talaga kasama sa bahay... Manny at Jinkee, tuloy ang pagpapagawa ng mansion sa Gensan!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga anak na lalaki �di raw talaga kasama sa bahay... Manny at Jinkee, tuloy ang pagpapagawa ng mansion sa Gensan!
Jinkee, Manny at mga anak

Babalik sa pulitika sa 2025 si Manny Pacquiao.

Kakandidato raw uli itong senador, ayon sa narinig kong kuwento.

At hindi raw totoong naghihirap na ito at walang pera.

In fact, tuloy daw ang construction ng mansion nito sa General Santos, 1 1/2 hectares ang lupa.

Tungkol naman sa binenta nitong bahay sa Forbes, binenta na raw talaga nito pero ayaw nang pabanggit ang halaga.

Narinig ko rin na hindi naman talaga pala kasama na sa bahay nina Manny at Jinkee ang dalawa nilang anak na binata na sina Jimuel and Michael na recently lang ay umaming nagkaroon ng struggle sa depression.

Anyway, kasama nga si Pacquiao sa susubok na bumalik sa senado kasama sina Ralph Recto, Kiko Pangilinan at Tito Sotto.

Matatapos naman ang term nina Senators Cynthia Villa, Koko Pimentel, Sonny Angara, Nancy Binay and Bong Revilla.

Ang sabi magpapahinga muna sina Senators Sonny, Cynthia and Koko.

Si Sen. Nancy ay sa local position diumano kakandidato habang si Sen. Bong ay hindi pa malinaw kung magpapahinga or sa local position muna.

Sa 2025 gaganapin ang midterm elections pero may mga paramdam na kung sinu-sino ang mga may balak hanggang sa 2028.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with