Mark and Kris, may singsing na ang relasyon

Officially in a relationship na raw sina Batangas Vice Governor Mark Leviste and Kris Aquino.

Nag-post na rin kasi si VG Mark ng photo ni Kris na may suot na Cartier ring at nakangiti.

Sila ang magkasama last Easter sa Newport Beach, California na nagso-shopping sa Fashion Island along with Bimby at kaibigan ni Kris na si designer na si Michael Leyva.

Medyo nagkalaman na nga si Kris at parang mas energetic na kesa dati - sa mga lumabas na photo.

Ang ganda rin ng ngiti niya sa IG story VG Mark na suot nga ang Cartier ring.

Baka ito talaga ang kailangan ni Kris para tuluyang gumaling.

Ang magkaroon ng lovelife at isang lalaking mananatili sa kanyang tabi habang nagpapa­lakas pa siya.

Show comments