Kyle, tinutulungan ni Piolo

Kyle, Mr. M, Mariole at orig Star Magic babie

Lucky boy naman ni Kyle Echarri.

Parang BFF siya ni Piolo Pascual.

Nagulat lang kasi ang maraming netizens nang makasama si Kyle sa grupo nina Papa P, Diether Ocampo, Jerico Rosales, Heart Evangelista, Bea Lonzo, Maja Salvador and John Lloyd Cruz nang magkaroon ng reunion ang orig Star Magic babies.

At hinahanap nila ang konek kung kanino close si Kyle dahil pakabata naman niya para masali sa grupo ng titos and titas na ngayong mga Star Magic star.

At nang i-check ang Instagram account ni Kyle andun nga at kasama si Papa P sa post nito na ‘some of the many things that have happened this March.’

Ang sabi, kasama rin si Kyle sa isa sa mga naka-line up na movie ng mabait at mahusay na actor.

Actually, sa totoong buhay isa kasi talaga si Papa P sa mabait sa industriya kaya hindi nakakatakang tinutulungan niya si Kyle.

Kaya naman hanggang ngayon isa pa rin siya sa busiest actors.

Show comments