Direk Paul Soriano, ‘nagwala’ sa presscon?!

Paul Soriano

Vanessa Hudgens, ayaw ipa-interview?!

Naganap nga ito sa presscon ng international singer / actress na si Vanessa Hudgens na bagong hirang na Global Tourism Ambassador.

Pagkatapos ng presscon hosted by tito Boy Abunda kahapon sa isang lugar sa BGC kung saan ay may mga nakapila para sa one-on-one interview ng ilang TV programs ay biglang nagalit si Direk Paul Soriano at pinatapos ang interview.

Narinig ng ibang andun pa like Christine Jacob ang mga naganap na maagang dumating sa venue pero nang turn na niyang mag-interview kay Vanessa na willing gumawa ng pelikula sa bansa ay biglang nakitang nagagalit ang director at parang gustong paalisin ang press na andun. Nasa CNN Philippines si Christine Jacob.

Ang dialogue diumano ni Direk Paul in a nutshell ay he doesn’t need the press.

Na-shock ang ibang mga natirang press dun dahil nakita nila ang ginawa ni Direk Paul habang si Vanessa at maging ang mother niyang si Gina at isang sister na kasama sa documentary project na si Direk Paul ang director ay ipinakita kung gaano siya ka-accommodating,

May mga ilang TV crew naman ang naka-interview kay Vanessa na bait na bait sa kanya na naganap nung wala pa si Direk Paul.

Sayang noh.

Ano kayang nangyari kay Direk Paul at ayaw niyang pa-interview si Vanessa sa press?

Pagkatapos ng mga pangyayari ay na-interview na si Vanessa ng misis niyang si Toni Gonzaga.

“The Philippines love you @vanessahudgens! What a blessing it is to meet a unique and beautiful soul!”

May connect kaya ‘yun sa interview ng kanyang misis?

Anyway, nakakatuwa si Vanessa. Game siyang nag-Fast Talk kay tito Boy Abunda.

Inamin din niyang kahit pescatarian siya ay hindi siya naka-resist nang ‘tawagin’ siya ng chiken adobo habang nasa Palawan para nga sa travel documentary na ginawa niya na eere sa mga international channel.

Dumating sa bansa si Vanessa last March 25.

Show comments