Toni, four months preggy?! Isabelle, nanganak!

Toni Gonzaga

MANILA, Philippines — Four months preggy na raw si Toni Gonzaga pero ayaw niya pang magsalita tungkol dito.

The other day ko pa ito naririnig na pinag-uusapan pero habang sinusulat namin ito ay wala pang inilalabas na confirmation si Toni though ang sabi nga ay kumpirmado na raw ito.

Ang sad part lang nagkalat ang bashers.

May pa-hashtag silang #CareKoNaman.

Anyway, good for Toni kung preggy siya dahil malaki na rin naman ang anak nila, si Sev, ni Direk Paul Soriano na punong-abala sa shooting ni Vanessa Hudgens para sa isang tourism campaign ng bansa.

Samantala, kung buntis daw si Toni, nanganak naman si Isabelle Daza-Semblat sa kanilang third baby sa kanyang husband na si Adrien Semblat.

Nanganak siya noong March 23, 2023, via emergency CS.

“Thank you lord for the gift of life,” sabi niya sa kanyang Instagram story.

Kris, 100 lbs na ulit ang timbang

Nag-gain daw ng weight si Kris Aquino.

Ayon sa kausap ko, maganda rin ang aura ni Kris lately.

From 86 lbs., 100 lbs na raw ito.

Pero ayaw niyang magsalita kung dahil ba ito kay Batangas Vice Gov. Mark Leviste.

Bukod pa sa mas nag-match daw si Kris sa bago nitong doktor ayon pa sa narinig kong update about her.

Maaalalang noong February ay marami ang napa--TYL (thank you Lord) sa kanyang post.

Ito ay matapos banggitin ni Kris sa huling bahagi ng kanyang post na “the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better.”

Nakita na raw niya ang ‘considered among the best’ sa kanyang bagong doctor kung saan naghintay pala siya ng 3 1/2  months bago natuloy ang face-to-face consultation sa Amerika.

Kaya talagang good news ito sa followers ni Kris.

Show comments